Gazeebo De Lala: Pancakes = Love life?

Kuya Pardz / Kaloy / Mama Mich / Chai / Jichael / Aleli / Cass / Colleen / Jane / Mark / Keisha / Kim / Kris / Anakat / Maryel


Lalans by heart, Bedans by blood

Tuesday, October 31, 2006

Pancakes = Love life?

hay naku..

ang galing ko talagang magluto kahit kelan..

aspiring chef pa naman ako.. huhuhuhu..

3 out of 12 pancakes ang nasunog ko.. pancakes na yun ah.. as in yung pumikit-ka-lang-luto-na pancakes.. understandable naman yung mga nauna kong nasunog.. tocino.. manok.. baboy.. eh kamusta naman? pancakes na nga lang, sunog pa? rawr..

sinunog, este, sinunod ko naman yung instructions dun sa likod ng pack.. beat egg hanggang mawala yung foam.. tapos ilagay yung pancake mix.. add oil and water (wala nang measurements ha, detailed na masyado eh) and mix until the lumps disappear (na naman).. tapos gumamit pa ako ng nonstick stove-top grill ha.. wait until bubbles break on top.. nag-wait nga ako hanggang mapuno ng bubbles yung tuktok.. tapos tinaob ko skillfully.. (playing: psycho's musical score)

wala rin.. nasunog din.. nasunog as in pitch black na sunog.. burnt to perfection.. tapos yung pagkasunog pa nila eh yung tipong masusuka ka dahil dun ka pa lang nakakita ng ganung klaseng entity sa mundong ibabaw.. mukha ngang inihaw eh.. shocking kung shocking.. itim kung itim..

well, syempre may mga parts na brown, dark brown, at golden brown.. but still, cancerous na silang tatlo.. they already have "nitrosamine", a carcinogen na matatagpuan sa mga burnt foods.. tsk tsk tsk..

yung unang pancake na naluto ko, perfect ang kulay.. as in pure golden brown.. walang brown, dark brown, yellowish brown, taish brown, at brownish brown.. talagang perfect kung perfect..

tapos yung sumunod na tatlo, yun yung mga nasunog..

tapos yung mga sumunod, ok na.. almost perfect na..

nung paubos na yung pancake mix, naisip ko bigla ang love life ko.. i connected the pancakes sa aking love life.. yung unang pancake, perfect.. yung mga sumunod, hindi na..

could there be only one person in my life who would be perfect for me? and yung taong yun ay yung pinaka unang minahal ko?

hmmm..

eh?

si c***?!

ewan.. malay mo, di ba? pwede rin.. noh, pardz? hehehehe.. shabu! ;-)

tapos yung pangalawa, pangatlo, at pang-apat ay yung mga palpak..

nakaka-ilan na ba ako? hmmm.. nasa pang-apat pa lang yata ako.. ewan.. di ko na mabilang.. hahahaha.. kaya pala iniyakan ko yung mga sumunod kay c***.. sila yung mga sunog.. hahahaha..

tapos yung mga sumunod, pwede na.. almost perfect..

hmmm..

ganito rin kaya ang mangyayari sa love life ko?

yung first love, yun yung makakatuluyan ko sa bandang huli?

yung tatlong susunod sa kanya, walang kwenta? iiyak lang ako? masasaktan lang ako?

tapos yung walong sumunod, pwede na pero ang hahanap-hanapin ko pa rin ay yung una?

hmmm..

abangan..

ang susunod na batch ng pancakes..

;-)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home