Gazeebo De Lala: Lalans... Yoohoo!!!!

Kuya Pardz / Kaloy / Mama Mich / Chai / Jichael / Aleli / Cass / Colleen / Jane / Mark / Keisha / Kim / Kris / Anakat / Maryel


Lalans by heart, Bedans by blood

Saturday, September 23, 2006

Lalans... Yoohoo!!!!

Dearest Lalans,

Kamusta na kayo? Nako wag nyo na akong tanungin kung kamusta ako dahil sasabihin ko lang na, ammm... kakatapos ko lang mag-exam (as usual, what's new diba??). Anyways, sa palagay ko ay dapat na akong sumulat sa inyo dahil.... HELLO!!!! Haha! Parang hindi na tayo nagkukumustahan!!!! Hehehe... Alam nyo, miss ko na kayo. As in.

Mich: YEY! Alam nyo ba may internet saka webcam na si Mich sa dorm nya! Haha. Kaya kung gusto nyong dumalaw sa dorm nya, mag-ym nalang kayo! Michy... nawala yung pusa ko! (See friendster for pics) Pero may nagsoli sa kanya 1 week after! Hehe. Namigay kasi kami ng fliers/flyers dito! (Speaking of fliers/flyers... Alala mo si Flyer boi? Ahihihi!)

Ate Colleen: Hay naku. Si ate colleen, magdadalawang taon na sa southville pero hindi ko pa rin sya nakikita! Nako, e nasa tapat lang ng village namin! Haha. Miss ko na tong si Ate Colleen. Ngapala, kamusta na si Paul Jason? Hay. What's the hottest update sa showbiz ngayon??? Hay naku. Miss ko na yung mala- "The Buzz" nyong pang-iintriga sa akin! Ahehe.

Kaloy: Aba! Sino itech pasaway na tech ang iskolarloo ng Elbi! Aber, gumigimik na complete with the inuman sheshens!! Nakech ha. At magse-celebrate na neng bertdi ang pasawey na tech! Libre daw movies sa town! Haha. Sana makapunta kayo! September 30 daw, kaso that's medyo kinda my D-day. Haha! I have examsss!( Chenestry Loveoratory, Farmashootickal Chenestry Love din, at isa pang Chenestry Lintekture! Heheh!) Share ko lang, kanina asar ako sa exam namin! Lalo na sa part ng solubuisity. Arr!!! Pero nakech, AB nga pala itech si Kaloysious! Ayaw nya ng mga Chenes Chenestry ayon na rin sa kanyek ekan. Oki? Kamakailan lang ay nagtext sya na moved na daw sa sembreak ang vonggacious na celebration ng kanyang kapanganakan. So expected na lahat tayo magkikitakits doon! Oki? Walang mawawala! wee.. Excited na ko! Miss ko na rin magtown with you guys! Haha.

Mark D: Xempreloo, Si mark D. ang lalan na ever kong nakikita kahit papano! Aba, e once every three weeks lang kami magkasalubong at nako! the chikkahan! it's like hindi na kami uuwi! HAha. Nakakamiss din na kasa-kasama tong si Mark sa lahat ng gawain ko! Nawa'y magkasalubong kami nang mas madalas!

Aleli (My sister in the Psychic world): Ai naku, Lellai!!! Nako. Minsan na lang kita ma ym! Nung isang beses, sabi mo kayo na. Nung sumunod sabi mo, hindi na kayo! Grabe, hindi ko pa nga nakukuha yung details. HAy, dati-rati sayo ako nagsheshare ng mga cherva ko. Ngayon... Lellai!... Huhu... Miss na kita. Saka yung mga philosophy of religion and God natin! Miss ko na! Nakakatakot makipagdebate sa mga kaklase ko eh! Haha!

Krissy: Insan! Musta na? Antagal na nating hindi nagkikta rin! Miss ko na yung pagma-miyao natin. Gusto mo nga pala makita pusa ko? Nasa friendster! Hehe. Buti nakabalik na sya samin. Nako, papakilala kita sa kanya pag may chance! Hehe. Bait bait ni Merry! Cute and Cuddly! Mahilig magkiskis ng mukha nya sa paa namin! Hehehe. Blue eyes din sya! (Ahemf.. ring a bell? Joke!) Update naman sa luvlife mo jan! HAha!

Kimmy: Kimmywimmy! La nang nag-aayos ng buhok ko! Nagparelax naman ako kaya hindi rin pwede itali... Aw... Haha! Nako! Miss ko na si Kim! Kimkimkimkimkim!!!!! Bihira ka mag-appear ah! Nako, natutulog ka bang mabuti? Umiinom ka pa ba ng cherifer??? Baka hindi ka pumasa sa height requirement ng mga nurse! Hehee!!


Marang(aka Marina): Si marang, lav ko yan! Lagi ngalang nawawala. Nako, babae ka, magpakita ka naman! Senxa na hindi ako nakapunta sa birthday mo ha... Biglaan kasi eh. Nako! Basta sana magkitakita tayo ulit! Miss na kita marangers! Haha. Diba friends forever yung nakasulat dun sa figurine na regalo mo sakin nung third year??? Weheheh. Ingatz ka palagi, at wag pasaway!

Nekatz (The Goddess): Aba, Kamusta na ang my fair lady sa london bridge??? Hehe! Miss ko na rin to! Wala nang nagpapadala masyado ng daily quotes sa akin! Si Cassandra G. Nalang! Kamusta naman jan? Ngapala iba na yung number ko kaya if ever magtetext ka, iba na yung number ko eh! Hehe...


Keisha: Kei! Miaow! Miss you na! Haha. Punta ko jan sa bahay mo! Gawa ulit tayo slides! HAhaha... Nakow, may tsismax ako sayo! ahay nako. As in NAKO! pero um... basta! Kwento ko nalang sayo minsan! Pag nasa mood tayo magtsismisan. Ngapala, wag kayong maniwala sa mga tsismis ng prof nyo sa dasma! Ahaha. Mukha ngang babagsak ako sa mga exam ngayon eh. Saka yung sinasabi nyang anak nya, hindi nga kami nagkakausap nun eh. Ever. Owel. Miaow! Pakita ko rin sayo si Merry minsan! Miaow!

Jichael: Jike! Grabe. I haven't heard from you for a very long time. Kamusta na? aww... YOu know, I miss the first year days. Seatmates tayo remember?? Hehe. Kamusta na buhay Lasalle? Hay. I still like your course. Mukhang masaya. Sana magkasabay ulit tayo sa bus minsan.

Kuya Pards: Ahay! Grabe, miss ko na si Kuya Pards. With all his insights and advice and everything! Kamusta na? How's the lavlyf huh? Ochies lang ba? Kuya pards, alam mo na ba yung bago kong cel number? Tanong mo nalang kay mamich o kaya kay kaloy or kay sandra! Haha. Di ko pa nakukuha ulit yung number mo! Hehe...

Cassandra G.: Wuhui! Grabe la akong masabi sa babaeng to. Walang sablay sa Goodmorning/Goodnight Godbless nya everyday! Hehehehehehe. Salamat din sa steady supply of quotes. Kamusta nga pala yung luvlife? Ok lang ba? Nako, naaalala ko pa yung animalang kinukwento mo dati! Nako, pag may bagong animala kwento mo sakin! Lagot yan satin! Basta ikaw, Go gurl! Hehe. MAsyado kang byutilicious para sa mga pasawey na yan!

Jared & Monique( Miyembro Honoraris): Hellow? Asan na kayo? Si Jared nakita ko sa debut ni Val! Dumoble pa yata yung height nya! Si monique naman nung debut pa ni Kris!

Ryan Cancio & Miko Copo (the Carebears): Wee... Miss ko na tong mga to. Asan na kaya sila? Magdadalawang taon na nakalipas!

Jane: Musta na ang makulit na batang ito? San na ba to napadpad ha ate colleen? bihira na rin ang appearance nito sa friendster! Dati puro posts sya sa bulletin board! Haha. NAgsawa na ata. Miss you na!
***
Hay. May nakalimutan ba ko? Nako sana wala! Eh eto yung mga nakikita ko madalas sa Gazeebo de Lala dati!

Nako. Haha. Sana magparamdam kayo! Awoo...

Ongapala, may musical kami! Haha. Saya saya. Dami kong pinagkakaabalahan! Nalolosyang nako.

Basta. Sana rin dumami na ulit magpost dito sa blog. At kahit yung mga walang blog, pwedeng dumalaw! Sya sige! Ingatz kayong lahat!

Shab-u! (Dahil taga-pharm ako parang naiilang ako dun sa Shabu eh. Hehe, senxa)

Lovelots with Mwahmwah,
Chai Ching.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home