Gazeebo De Lala: And the kitchen chronicles continue...

Kuya Pardz / Kaloy / Mama Mich / Chai / Jichael / Aleli / Cass / Colleen / Jane / Mark / Keisha / Kim / Kris / Anakat / Maryel


Lalans by heart, Bedans by blood

Thursday, November 02, 2006

And the kitchen chronicles continue...

kung nung isang araw, pancakes ang drama ko..

ngayon naman, babasaging basong nabasag (tongue twister?) at hilaw na vanilla meringue..

wow, kitchen chronicles ito.. hindi naman sa nagpapaka-Tita ako or nagpapaka-Nacha (characters mula sa Like Water For Chocolate).. nagkataon lang na ang kusina ang refuge ko.. kapag wala akong magawa at trip kong kumain, magluto, o mag-experiment, sa kitchen ako pumupunta.. nagtaka nga ang mga magulang ko kung bakit hindi na lang daw ako nag-HRM eh.. ako din, napa-isip..

pero sayang naman ang pagiging anak ng Sining ko kung nag-HRM lang ako, di ba? mas malaki nga naman kasi ang chance kong umasenso sa larangan ng Arts kaysa sa Culinary.. at kung pinursue ko pa ang pagluluto eh di lalo akong tumaba at lalong umikli ang buhay ko.. tsaka pwede naman akong mag-CCA pag tapos na ako sa BACA di ba.. eh di tama pala ang daang tinatahak ko ngayon.. hehehehe..

haaayy.. mag-isa na naman ako ngayon sa bahay..

at nakabasag na naman ako ng baso.. para akong bata na sobrang haphazard kapag iniwan mo sa bahay nang mag-isa.. well, sa totoo lang, 24/7 akong haphazard..

kasi naman noh, magkakatabi yung mga plastic at babasagin na baso dun sa lalagyan.. nung kumuha ako ng plastic na baso, natabig ko yung babasagin.. eh di yun, nangyari ang nangyari.. nabasag ito into hundredes of pieces.. tulad ng nangyari sa puso ko nung..

sobrang nahirapan akong hanapin ang mga bubog sa counter.. yung ibang piraso kasi malalaki pero karamihan ay parang microbes na sa sobrang liit.. ang ginawa ko, nangapa ako.. at ano ang nangyari? eh di nasugatan ako.. pati nga wrist ko, nasugatan eh.. nagkaroon ito ng isang mahabang linya.. mukha nga akong naglaslas eh.. at ang palad ko naman ay punong puno ng mga pulang bituin..

nalinis ko naman ang counter at ang floor nang mabuti.. tingin ko naman ay wala nang masusugatan pa.. sana..

at ngayon ay iniisip ko kung paano ko sasabihin sa nanay ko na nabasag ko ang kanyang paboritong baso.. tsk tsk tsk..

pagkatapos ay nagbalak akong mag-experiment.. bumili ako ng dalawang itlog sa labas.. linsyak! 4.50 na isa! rawr..

binasag ko ang mga itlog na parang balot.. hiniwalay ko ang yolk sa white.. nilagay ko ang white sa isang BABASAGING bowl at ang yolk sa isang plastic na BASO.. nilagay ko sa ref yung BASO.. nilagyan ko yung BABASAGING bowl ng isang sakong puting asukal.. kinuha ko yung electric mixer sa ancient kitchen cabinet namin.. ilang minuto ding nag-vibrate ang aking kanang kamay.. nang maging fluffy na ito, nilagyan ko ito ng isang dosenang bote ng vanilla.. nag-vibrate na naman ang aking kamay for some minutes.. masarap ang naging resulta ng aking eksperimento.. vanilla meringue..

at ang naging dilemma? hindi ko alam kung paano ito maluluto.. hindi ko alam kung paano i-operate ang oven namin.. at yung pan nung oven toaster ay nawawala, grill lang.. sinubukan ko ito sa nonstick stove-top griddle.. wala ding nangyari, palpak.. kaya naman ay inilagay ko na lang ito sa freezer.. no further plans whatsoever..

haaayy.. ang buhay nga naman ng isang UPLB student kapag walang magawa at walang kasama sa bahay kundi ang TV at ang broadband.. napaka-pointless, chaotic, futile, unproductive, at bland.. rawr!

at hanggang ngayon, hindi pa siya nago-online.. miss ko na siya, sobra.. huhuhuhu.. biglang siningit daw? hahahaha..

im going crazy now.. and it's because of the despondency and solitude that has enveloped my soul from head to toe.. ako pa naman yung tipo ng tao na nababaliw talaga kapag walang magawa..

matulog? hindi uso sa akin ang siesta..

magbasa? asa..

mag-net? kanina pa.. iba naman!

magluto? tsk..

kumain? RAWR!

manood ng tv? masakit na ang mga mata ko..

waaahhh! wala akong magawa! buti na lang bukas babalik ako ng elbi to get my classcards and some things na naiwan sa aking rat hole..

teka, sabi ko goal kong matutuong mag-gitara? eh lagi naman wala ang kuya ko eh.. online lessons? ineffective most probably.. what to do? what to do? what to do?! hmmm..

speaking of "?!".. nakaka-asar talaga yung mga taong hindi marunong gumamit ng "?!", lalo na sa text.. nakakalito kasi kung nage-exclaim ba siya or nagtatanong.. rawr!

nakaka-asar din yung mga taong ayaw pang sabihin na gusto nila ang isang tao.. eh? naaasar pala ako sa sarili ko.. hahahaha.. pero ang gusto kong tamaan dun ay yung mga taong may gusto sa akin pero ayaw lang sabihin.. hahahaha.. joke lang po..

ito lang ang blog entry na sari-sari ang topics.. parang naging journal ko na talaga ito ah.. saya! at pansin niyo, napapadalas na ang aking pag-blog? hurrah! at least laging gising ang writing prowess ko di ba.. hmmm..

ganito lang ba talaga ang takbo ng utak ng isang manunulat? o ng isang taong deprived of love?

both..

ladies and gents.. pati na rin ang mga confused at undecided.. isama na ang mga kaluluwa..

adios..

;-)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home