INAHITAN NG KILAY
Kahapon, nagpunta ako sa salon para i-test ang magme- make-up sakin sa Saturday. Una nyang ginawa: Kumuha ng blade, at ayun, inahit ang aking kilay. Ilang kilay na rin siguro ang naahit niya, at parang wala nalang sa kanya ang pag-aahit ng kilay ng may kilay. Sa katunayan nga, mahapdi yung inahit niya, siguro dahil dry yung skin ko o ewan, di ko alam.
Pero bakit andrama ko?
Kasi mula noong bata ako, sabi ng nanay ko, sabog daw ang kilay ko. At para sa akin, ang mga nag-aahit lang ng kilay, ay yung mga matatanda na. At take note, ninipisan nya. Waaah. Tahimik lang ako at walang kalaban laban, dahil alam kong kailangang ahitin iyon. Pero sa loob ko, nagsusumigaw ako. Pinagpapawisan ng butil butil at tila tuturukan ng Potassium Chloride sa aking vein (Lethal injection). Tinititigan ko pa ang kilay ng parlorista o salonista na si Jaya. (Babae po sya di bading!) Hmm... Siguro gusto niya parehas kami.
Ganito ang pakiramdam ko ngayong 10:42 ng gabi. Jan. 10, 2006. Dahil maya-maya, Jan.11 na. Ayun, 18th Birthday ko na pala. Sayang, di umabot yung aso ko na kabirthday ko rin, Lola na kasi yun. Last year lang siya namatay. PERO ipinagpapasalamat ko, ANNIVERSARY din ng mga magulang ko ang Jan. 11. Ang cute noh? Hahaha. Ako daw ang gift sa kanila! (Haha!)
Babay na sa sabog na kilay ng pagiging nene. Sabi nila, dalaga na daw ako, magtino na daw ako. Matuto na daw akong kumendeng at makipagfriends sa guys. Magsmile daw ako palagi at magplano na daw ako sa buhay. Mag-isip na din daw ako ng pagkukuhanan ng kabuhayan. Galingan ko daw mag-aral kasi malapit na ko magtrabaho. (10 years pa? pag nagmed? hahahah). Ang weird. Excited ako sa bagong kilay. Pero alam ko na kilay lang naman yun. Parang edad, parang image. image lang naman yun. Edad lang naman yun. Wala namang magbabago. Ako pa rin si Chai, nabawasan lang ng kilay. Naging 18 lang manan ang edad ko. And so? Dati pa naman akong nag-iisip. dati pa ko nagsusumikap. Dati pa ko ngumingiti. Dati pa kong kumekendeng?? AHha! Di yata ako sanay talaga maging girlish masyado at dapat pang kumendeng. (Sorry sa photographer, nahirapan siyang gawin akong girly girly type. Nyahaha.) Dati pa naman akong marunong makipag-usap sa mga guys, (Though hindi ko naman talaga forte ang pang-aakit at pakikipaglandian... hmm.. wala pa kong balak nu!). Hahahaha!
Oh well, sabi nila, start na rin daw ng registration ng mga manliligaw ko. Mag-sign up nalang daw sila sa Jan.13. HAHA! JOKE ULI! Meron ba? Wala naman!!! Mukhang malabo pa yun. (Showbiz nanaman) Acads muna? Naku, di ko pwede sabihin yun dahil hindi matatapos ang acads ko. Baka maging single forever ako pag sinabi kong acads muna. Di rin naman pwedeng boylets muna, kasi hellow. Understood na sagot dun. Kaya sana sabay nalang? Haha. Sana magcompliment ang boylet life and book life. Posible kaya? Hahaha.
Nagyon, malaki supposedly ang problema ko, dahil nakaccumulate ang trabaho ko. Pero di naman mauubos ang homeworks. "Ang debut, once lang, kaya i-enjoy na" sabi ni madir yen ko. Tama ba? Nag-online lang ako, at napansin kong wlang laman ang blog ko na latest. Eh special day na pala bukas. At ngayon. Di ko magawang palampasin kahit pa napakaraming dapat gawin.
Syangapala, nagpapasalamat po ako Lord, dahil kahit kailan, hindi niyo ako pinabayaan.
Family, Friends, Institutions, my Country, the people I love... I am not celebrating the eighteen years of my Existence tomorrow (an hour later), but the Luck and Bliss of having EVERYONE and everything that happened to me in my life that made me who I am now. Wala po akong maipagmamalaki, dahil kung ano ako ngayon, yun ang dulot ninyong lahat sa akin. Kaya naman po nagpapasalamt ako sa inyong lahat.
Madami pang mangyayari, at excited na ko sa buhay ko. Sana samahan niyo pa rin po ako.
Ok... Back to Emulsions. PhCh126.1 pa bukas, monitors kami. hehe. See ya guys on Saturday. (^_^)
Labels: Birthday
0 Comments:
Post a Comment
<< Home