Araw ng mga Puso
Una sa lahat, hindi ko kayo muna babatiin.
Pangalawa sa lahat, wala namang kakaibang naganap ngayon.
Taghirap na ba talaga? Crisis?
Sa buong araw na inilagi ko sa labas ng bahay at sa gitna ng maynila, hindi yata lalagpas sa lima ang nakita kong taong may dalang bulaklak or balloons or cake or lollipop man lang na may puso.
Bakit nung gradeschool ako, pag Valentines nagbabaha ng bulaklak sa may gate ng school at ang mga batang walang muwang nama'y bumibili ng mga rosas para sa crush nila, sa mommy o kaya sa teacher.
Ngayon? hmm... Napaisip tuloy ako kung may kalendaryo ba ang mga tao.
Tama na nga. Bumili nalang ako ng chocolate para paghatian namin ng mommy ko.
Bakit ka nga ba maghihintay na bigyan ng chocolates at rosas kung may pera ka namang pambili?
Di naman ako ganon ka-poor!
Kung talagang matipid ka naman, uminom ka nalang ng Milo o kaya Ovaltine o Choquick pa kung gusto mo. Chocolate din yun. Haha.
Kaya sa mga di tumatanggap ng kahit ano sa araw na ito, wag tayong malungkot! Isipin mo nalang kung ilang tao sa mundo ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, at marerealize mo kung gaano tayo kaswerte!
Actually swerte naman talaga tayong lahat e. Di naman kasi kailangang hanapin lagi yung wala.
Edi kung anong meron ka, maging masaya ka na! Kunwari, maganda ka na, sexy ka pa, mayaman, mabait, matalino, athletic, at talented. Wala ka nga lang boyfriend. OK LANG YUN! Isipin mo nalang artista ka at sabihin mo sa buong mundo:
"As for now, nagfofocus pa ako muna sa career ko at family. I'm happy with myself right now."
O diba?!! Showbiz na Showbiz!
Landicious!
Haha.
Kaya mga friends, huwag na kayong malungkot. Ok?
------------------------------------##################
SPECIAL CORNER:
So ang tanging tanong lang na naisip ko bigla ngayong araw na ito at bumabagabag sa kaluluwa ko:
Bakit ang mga tao sa China singkit?
Bakit yung mga unggoy dun hindi singkit?
May sagot ka ba?
-----------------------------------##################
Hay...
So Valentines nga.
May tanong ako ulit.
Ano kaya ang ratio ng mga taong inlove at may kasama, sa mga taong inlove pero mag-isa, sa mga taong iniwan at lumuluha?
Eto pa:
Tinatanong mo ba sa sarili mo kung ano ang ratio ng dami ng taong inlove/ may gusto sayo, sa dami ng mga taong mahal/ crush mo?
Eto pa:
Sa palagay mo ba, yung taong kasama mo ngayon, sya yung makakasama mo habang buhay?
Or, kung naging kayo ng crush mo ngayon, pakakasal ba kayo?
Or kung anong itsura ng magiging baby nyo?
Eto pa:
Sa palagay mo ba, kapag sinabi ng mahal mo ngayon sayo na, " I will love/ be with you forever" at kinilig kilig ka naman dyan, ay totoo nga yun? at hindi ka na nya iiwan?
Eto pa:
Ilang negative aspects ng mahal/ crush mo ang alam mo? (Kasama na dun ang mga kabalahuraan at kababuyan nya)
Eto pa:
Sa palagay mo ba, yang boyfriend/ girlfriend mo ay masipag? Sa palagay mo ba may future ka sa kanya? O ang alam lang nyang gawin ay magbasketbol, magplaystation / magpaganda, magshopping? O kaya naman, ang alam nyo lang dalawa ay maglambingan?
Eto pa:
Kung narealize mong wala pala sa kanya yung mga ibang tinanong ko, sa palagay mo seseryosohin mo nga syang makasama in the future?
*******************************************************
Eto lang advice ko.
(Kayo na bahala, hindi naman ito through experience)
(Sorry kung inispoil ko ang araw nyo)
Mag mature ka muna, at idevelop ang sarili bago mo ibigay sa iba ang sarili mo.
Dahil baka pati sya madamay sayo.
At masayang lang ang oras nyo sa isa't isa.
Mas masaya naman diba, kapag parehas kayong ok na ok na?
Kaya sa mga bata pa at isip bata pa na umiiyak iyak at naiistress out dahil sa love, normal lang yan. Pero wag mong damdamin palagi!
Mabuhay ang mga sawi!
Anong swerte nalang nung tamang tao para sayo dahil sya ang makakaranas at makakakita kung gaano ka kabuti! Kaganda/ kaguwapo/ Kagaling/ at kahanga hanga.
Malas nalang ng taong nanakit at nang-iwan sayo. Hindi nya lang alam kung ano ang value mo. Hayaan mo syang mamatay sa inggit pagdating ng panahon!
Hindi naman ako bitter dito no?
May nag-aagree ba?
Hui.
Haha.
Saka love naman tayo ni Papa Jesus diba?
I love You Papa Jesus! Happy ang Valentines ko dahil lagi nya akong mahal!
Ingatz kayong lahat. Mahal ko keu. (^_^)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home