Gazeebo De Lala: Ligaw na Kaluluwa

Kuya Pardz / Kaloy / Mama Mich / Chai / Jichael / Aleli / Cass / Colleen / Jane / Mark / Keisha / Kim / Kris / Anakat / Maryel


Lalans by heart, Bedans by blood

Saturday, January 07, 2006

Ligaw na Kaluluwa

Wala akong katahimikan.

Pakiramdam ko ay isa akong ligaw na kaluluwa na humihingi ng tulong, umiiyak, pero nang makita mo ako ay agad mong tinakbuhan. Ni hindi mo man lang yata napansin na dugo ang iniluluha ko. Ang alam mo lang, hindi mo ako dapat makaharap. Takot ka sa akin. Takot kang harapin ako. Hindi mo gustong makita ako sa kasalukuyan dahil ako ay nabibilang sa nakaraan.

Hindi mo ako nais makitang naghihinagpis, dahil ang gusto mo lang isipin ay naging masaya ako sa iyo, na ayos lang ang lahat, na pinalagpas ko lang ng mapayapa ang lahat ng ginawa mo. Hindi mo gustong malaman na nakasakit ka, na nasugatan mo ako nang lubos. Hindi mo matanggap na namatay ako dahil sa’yo. Nangangarap ka na mapayapa na ang kaluluwa ko ngayon, na tanging hiling ko lang ay kaligayahan mo, na gusto ko nang manahimik sa sarili kong buhay.


Inilibing ang puso ko nang buhay.

Pumipintig pa ito, pero tinabunan na ng lupa at putik. Isinulat mo sa aking puntod sa iyong alaala na ako ay namuhay ng maligaya kasama ka. Na pumanaw ako ng tahimik at may ngiti sa labi. Ngunit hindi mo iniukit na mapait ang mga ngiti ko kasabay ng aking mga huling hininga. Alam kong alam mo iyon, ngunit talagang hindi mo gustong tanggapin ang katotohanan.

Tulad ng lahat ng taong pumapanaw, ninais kong bumalik sa taong minahal ko habang nabubuhay. Ikaw ang gusto kong balikan. Gusto kitang makita. Gusto kong malaman kung kamusta ka na, kung nalungkot ka man lamang ba sa aking pagkawala. Gusto kitang yakapin kahit na ang madarama mo lang ay isang malamig na hangin na nakakakilabot, kasama ng mapapait na alaala.

Ngunit dahil ako ay patay na, hindi na ako bingi sa katotohanan. Nadidinig ko ang binubulong ng isip mo. Ayaw mong makita ako muli. Alam kong hindi kakayanin ng iyong kunsiyensya ang iyong ginawa.

Wala na akong buhay, pero may damdamin pa rin ako. Kaya bumubuhos pa rin ng tuluyan ang luha ko. Ang luha at dugo mula sa pusong sugatan. Nagmamantsa pa rin ito sa aking mahabang puting damit. Bakas pa rin sa aking kaluluwa ang sugat.

Hindi na kita gustong balikan, dahil ayaw mo. Ngayon, heto ako at pagala-gala sa kawalan. Paminsan ay makakatagpo ng isang taong nag-iisa at saka ko ibubulong ang “tulungan mo ako… tulungan mo ako…%u20

######

Thanks to mamamich for the idea. Deadly. Hehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home