Gazeebo De Lala: May 2008

Kuya Pardz / Kaloy / Mama Mich / Chai / Jichael / Aleli / Cass / Colleen / Jane / Mark / Keisha / Kim / Kris / Anakat / Maryel


Lalans by heart, Bedans by blood

Friday, May 30, 2008

lomomanila will be hitting baguio...

howhowhow...di pa ako nakapagpartcipate ng totoo sa lomomanila events...first and the last is nung chinatown, pero di ako nakihalubilo dahil dat tym, holga lang ang meron ako..nakakahiya..hehe..wah...sana makasama ako sa isang event..kapag nakipon na ako ng lakas ng loob..hehe..imagine a LOMOWALL dat is 6 feet high by 18 feet long...huge collection of pictures sa baguio...LOMO ELEMENTO STYLE..the project is headed by tuesday vargas , sir bong, and jill...how how how...gud luck nlng sa kanila...inggit ako..

Penshoppe's SHOOT YOU ADS

a huge billboard sa morayta--features bamboo using fisheye 1
ads that feature red holga--hawak ng iba't ibang mgA PENSHOPPE endorsers..
nkakatuwa at naicip nila un..plus may contestb pa cla na dey will give away a free holga if uve accumulated acertain amount of receipts..not bad huh...to spread the lomo lovin'..to spread the craze...go chek one out...

Saturday, May 03, 2008

San Juan... parang nanaginip lang ako!

Ang sarap din pala pumunta sa malayo. Contrary to what I thought na mahohomesick ako nung paalis palang ako for my two-week batangas immersion. Hehehe... Siyempre, minus the inconveniences kasi buti nalang hindi ako nabankrupt dun... pero first time ko maging malayo sa bahay ng ganun katagal! Hahaha... Ang saya din pala! New people and new places!

Pagdating ko ng batangas, kala ko mag-iinarte ako about the food, tirahan, etc. Pero hindi naman pala! Kasi iba din talaga yung buhay dun... Very simple! Ang saya! Nakakasurvive ako ng isang buong araw nang hindi tumitingin sa salamin at nako-conscious sa itsura ko. Ang aga kong nagigising kahit walang alarm dahil excited akong magbomba ng poso at para makapaglaba na ako at matuyo kaagad yung mga damit. Ayaw ko kasing magbreakfast ng hindi nakakaligo kaya nagtataka sila kung bakit parang aalis ako palagi... wahaha! Dito kasi sa bahay, hindi ako naigigising unless sigawan ako at kuryentehin (di ko kasi nadidinig yung alarm pag sa bahay ako natutulog)... Anyways, kaya ko naman talaga mabuhay sa bahay na tinirhan namin, kahit pa walang ilaw sa CR at ilaw ng celfone ang gamit ko pag "emergency". Haha! Masaya kasi...

Ano bang makikita sa bahay nila Kap?

Improvised swing na nakasabit sa puno ng mangga.

Si Miggy na mahilig magpapogi at si Gabby na laging hinihika, kambal na babies na apo ni Kap.

Si Justin na ka-hairdo ni Kuya Jonet at mahilig magpanggap na jeepney driver, at interesado din magpicture kaso ang subject lang niya ay yung toy jeep niya. Siya din ang batang isinama ako kung saan-saang liblib na bahagi ng compound nila para mangstalk ng baka! Sakristan niya yung kapatid niya na kakaiba ang pangalan, (jerol o jeryl o gerel) na pwede naman pala tawaging francis. hahhaa! Don't worry Randy, hindi ako pwedeng agawin ni Justin sayo kasi 4 years old lang siya.. Haha! kakabirthday nga lang niya eh.

Yung mga pusa na napakadami at sobrang complicated ng family tree kasi halo halo na yung kulay nila... (May pure white, black, black n wyt, Orange, striped, mixed colors, lahat ng variety ng kulay!) May nakaaway pa nga akong pusa dun eh.. humpf.. Matitigas pala ulo ng mga pusa pag asal pusa sila. Buti pa si Pup-py!

Si Pup-py ko! ang white puppy na malaki ang tyan na pag umuupo ay gumugulong nalang dahil di niya kaya ang weight ng tyan nya. Paborito siyang apihin ng mga bata dun kasi nga makulit siya. Pero sa lahat ng living thing sa compound, si Pup-py ata yung unang naging very welcoming sa akin! kaya love ko yun si Pup-py! Kahit aso siya ng kapit bahay nila kap, ako yung sinasalubong niya pag dumadating kami. Hahaha.. Sad nga lang hindi ako nakapag goodbye sa kanya pag-alis namin.

Si Paulene na bunso ni Kap. Maganda si Paulene! Tagapagmana ng title ni Nanay na Reyna ng Palengke, kasi may pwesto sila dun. Mas bata samin ng mga 2 years pero mas outgoing pa at makulit kesa samin. (contrary sa iniisip kong taga-probinsya na mahiyain at mahinhin) Haha! Lagi ngang may katext eh, patay yun kay Kap!

Si kuya Paul na nasa Saudi at picture lang ang na-meet namin. Kahawig niya si Bojit pero ayon kay tatay Kap ay bukod sa matalino ay mabait siyang anak. Binata pa at pinag-iinteresan ni ate C*mi*. Haha! Sayang nga lang at hindi nahingi ni Ate C*mi* yung number niya kay paulene. Hahaha!

Si Nanay Kapitana na aloof noong una. Cute daw siya kasi mukhang teddy bear ayon kay tin. Pero natatakot ako sa kanya. Di kasi masyadong nagsasalita. Kala ko galit sa amin ni Rosie kasi nung nagbaguio sila nanay at tatay Kap eh kami ang pinatulog sa room nila habang wala sila. Dyahe kaya! Pero ganu daw talaga mga tao sa probinsiya, extreme na hindi masyado practical yung hospitality kasi kung sila matutulog sa sahig eh masakit sa likod yung lalo na't matanda na sila. Sanay naman ako matulog kahit saan! Buti nalang nung 2nd week nagkukwento na si nanay sa dinner. Masarap magluto si Nanay ng kunganu anu. PRAMIS! Hindi ko makakalimutan yung ginataang mangga at saging. Da best yun! at yung puto na bagong luto. first time ko makakita nun! Ang sarap talaga! Kahit hindi siya nakapag-aral, business minded siya at napagaral niya yung mga anak niya. Husay!

Si Tatay Kap, napakabait! wala akong masabi. Naaalala ko nga si Papa eh, kasi sobrang maalaga siya sa amin. Nung nagpunta ako sa tagaytay, hinatid pa niya ako sa sakayan! Tapos sabi niya anak niya ako, para daw hindi ako lokohin sa presyo... Wahehhee... Kung tutuusin, sa bayan, isa lang siyang ordinaryong matanda, pero sa baranggay nila, sobrang respetado siya at pag siya ang naghahatid sa amin sa traysikel eh nahihiyang magpabayad yung tricycle driver sa amin... Amazing! Hehe... Mahilig din siyang mag-advice habang kumakain kami... Hehehe. Isinama pa niya kami sa beach nung last day na at nakipagbonding kami kay paulene! Bunso nga rin tawag niya sa akin eh. Kaya dalawa kami ni Paulene na bunso niya. Hehehe.. Ako yung chubby na bunso.

Hayyy! Nakakamiss ang bahay ni Tatay Kap! Lahat lahat ng andun. Hehe... Ngayon I'm home. May mga ipinagbago din ako... Madami akong natutunan sa San Juan bukod sa Pharmacy at Community. Natuto din ako tungkol sa Family!