Gazeebo De Lala: October 2006

Kuya Pardz / Kaloy / Mama Mich / Chai / Jichael / Aleli / Cass / Colleen / Jane / Mark / Keisha / Kim / Kris / Anakat / Maryel


Lalans by heart, Bedans by blood

Tuesday, October 31, 2006

Pancakes = Love life?

hay naku..

ang galing ko talagang magluto kahit kelan..

aspiring chef pa naman ako.. huhuhuhu..

3 out of 12 pancakes ang nasunog ko.. pancakes na yun ah.. as in yung pumikit-ka-lang-luto-na pancakes.. understandable naman yung mga nauna kong nasunog.. tocino.. manok.. baboy.. eh kamusta naman? pancakes na nga lang, sunog pa? rawr..

sinunog, este, sinunod ko naman yung instructions dun sa likod ng pack.. beat egg hanggang mawala yung foam.. tapos ilagay yung pancake mix.. add oil and water (wala nang measurements ha, detailed na masyado eh) and mix until the lumps disappear (na naman).. tapos gumamit pa ako ng nonstick stove-top grill ha.. wait until bubbles break on top.. nag-wait nga ako hanggang mapuno ng bubbles yung tuktok.. tapos tinaob ko skillfully.. (playing: psycho's musical score)

wala rin.. nasunog din.. nasunog as in pitch black na sunog.. burnt to perfection.. tapos yung pagkasunog pa nila eh yung tipong masusuka ka dahil dun ka pa lang nakakita ng ganung klaseng entity sa mundong ibabaw.. mukha ngang inihaw eh.. shocking kung shocking.. itim kung itim..

well, syempre may mga parts na brown, dark brown, at golden brown.. but still, cancerous na silang tatlo.. they already have "nitrosamine", a carcinogen na matatagpuan sa mga burnt foods.. tsk tsk tsk..

yung unang pancake na naluto ko, perfect ang kulay.. as in pure golden brown.. walang brown, dark brown, yellowish brown, taish brown, at brownish brown.. talagang perfect kung perfect..

tapos yung sumunod na tatlo, yun yung mga nasunog..

tapos yung mga sumunod, ok na.. almost perfect na..

nung paubos na yung pancake mix, naisip ko bigla ang love life ko.. i connected the pancakes sa aking love life.. yung unang pancake, perfect.. yung mga sumunod, hindi na..

could there be only one person in my life who would be perfect for me? and yung taong yun ay yung pinaka unang minahal ko?

hmmm..

eh?

si c***?!

ewan.. malay mo, di ba? pwede rin.. noh, pardz? hehehehe.. shabu! ;-)

tapos yung pangalawa, pangatlo, at pang-apat ay yung mga palpak..

nakaka-ilan na ba ako? hmmm.. nasa pang-apat pa lang yata ako.. ewan.. di ko na mabilang.. hahahaha.. kaya pala iniyakan ko yung mga sumunod kay c***.. sila yung mga sunog.. hahahaha..

tapos yung mga sumunod, pwede na.. almost perfect..

hmmm..

ganito rin kaya ang mangyayari sa love life ko?

yung first love, yun yung makakatuluyan ko sa bandang huli?

yung tatlong susunod sa kanya, walang kwenta? iiyak lang ako? masasaktan lang ako?

tapos yung walong sumunod, pwede na pero ang hahanap-hanapin ko pa rin ay yung una?

hmmm..

abangan..

ang susunod na batch ng pancakes..

;-)

Saturday, October 21, 2006

Tagalog is the dialect of my heart tonight...

magta-tagalog ako ngayon kasi gusto ng puso ko.. pakialam ko sa mga nagbabasa nito na hindi marunong umintindi ng tagalog? nalulugmok na ang puso ko sa kaka-translate sa Ingles ng mga Tagalog nitong emosyon at hinaing.. matagal nang kinakatok ng puso ko ang utak ko.. buksan na daw ang reservoir ng mga Tagalog na salita.. inaamag na't lahat eh.. kelan ko ba huling ginamit ang Pinoy side ng utak ko? nung high school pa, sa school paper.. damn, tagal na nun ah.. hmm.. kakalimutan ko na din muna ang format na automatic na sine-set ng utak ko pag nagta-type ako.. bayaan ko na muna ang mga daliri ko na mag-dominate ngayong gabi..


mang-away.. mang-guilt trip..


yan lang ba ang kaya kong gawin nang tama? sa dami ng functions ko as a human being, parang ang pang-aaway lang (lalo na sa text) ang nagagawa ko nang successful everytime na ginagawa ko ito.. sensya na kay biboy at kay jester na recently ay inaaway ko sa text dahil.. hmmm.. bakit nga ba? ay oo nga pala.. mahangin pa sila kay Milenyo at kay Katrina.. pero sorry pa rin sa pang-aaway, hehehe.. tsaka ang galing kong mang-guilt trip.. talagang napapa-sorry ang mga tao sa akin everytime eh.. kaya siguro wala masayadong nang-aaway sa akin.. masaya naman ako na kahit papaano ay may nagagawa ako nang tama.. pero sana lang ang nagagawa ko ay nakatutulong sa pag-ayos ng buhay ko na binabagyo araw-araw di ba? sana lang, maayos muna ang buhay ko bago ako manggulo ng iba..


moda..


eto nga lang ba ang kaya kong gawin sa mundong ibabaw? eto nga lang ba ang silbi ko? yan lang ang tangi kong nagagawa nang tama sa paningin ko at sa paningin ng iba.. sa dami ng mga pinag-gagagawa ko sa buhay, ito lang ang napapansin ng mga taong kilala ako.. kaya siguro ako binansagang "drama king".. pagmo-moda lang talaga ang napapasin ng mga tao.. profession ko na nga eh! araw-araw, nadadagdagan ang resume ko.. impressive na nga daw eh, sabi ni God, nung huling scan niya nito.. ito lang din ang pinag-iikutan ng mga conversations kung saan involved ako.. kung may sarili mang chemical symbol ang dugo ko, yun ay "Md".. kung may lasa man ang mga luha ko, hindi ito maalat.. magkakaroon ng panibagong term para dito: "mody".. sweet, salty, bitter, sour, at mody.. kung magkaka-anak man ako at ang magbibigay ng pangalan nito ay ang mga taong nakapaligid sa akin, papangalanan nila itong "Modda" pag babae, at pag lalaki naman.. err.. sana babae na lang siya.. naaawa na nga ako sa mga kaibigan ko eh, lalo na kay pen.. siya na lang lagi ang nalalabasan ko ng emosyon.. siya na lang lagi ang napagbu-buntunan ko ng sama ng loob.. pisat ka na ba sa sobrang bigat ng damdamin ko? sorry ah.. pati ibang elbi friends ko na kasama sa group list na pinagse-sendan ko ng quotes everyday.. pati sila siguro, nauubusan na ng hininga sa paghabol sa tumatakbo kong psyche.. lagi nitong tinatakbuhan kasi ang mapait na katotohanan..


quoting..


ang tanging conscious na ginagawa ng mga daliri ko pag hindi na mataas ang araw sa langit.. ang tanging nagpapatawa sa utak ko tuwing tulala ito at may malalim na iniisip.. ang nagpapa-sulit sa perang pinanglo-load ko.. ang isa sa mga bagay na nagpapa-alala sa akin na marami akong kaibigan.. ang ginagawa ko pag wala akong magawa sa mundong ibabaw.. ang source ng katatawanan ng elbi.. isa na nga siyang craze ngayon eh, kung tutuusin.. para din itong isang epidemya kung kumalat sa mga daliri ng mga taong mahilig mag-text.. ang isa sa mga bagay na pumipigil sa pagpatak ng mga luha ko..


natutuyo na ang utak ko.. kamusta naman kasi, ilang araw na akong nagpupuyat.. siguro kung kukwentahin ang lahat ng tulog ko from october 15 to now, mabibilang pa ito sa mga digits ng mga paa mo at metacarpals ng mga kamay mo, naputulan man noong nakaraang New Year's Eve o hindi.. at ang dahilan ng aking pagpupuyat? hindi po acads.. wish ko lang na kaya kong magpuyat for acads noh.. *evil laugh* tumatambay lang kami around elbi.. wala lang.. masaya naman eh, kasama ko friends ko.. unforgettable nga eh, actually.. salamat kina lei, biboi, at jester na frequent kong karamay sa pagpupuyat at pagtatambay sa harap ng mini stop at sa iba pang sulok ng los banos.. dun sa iba pa na hindi ko na-mention na nakasama ko din sa pagpupuyat noon, salamat din.. ano pa ba ang mga dahilan ng aking pagpapaka-nocturnal sa paanan ng Makiling? text.. minsan acads din kahit papano.. pag-iisip? di naman masyado.. pagtambay with Crammer's Club! lalong lalo na yun.. hahaha.. luv ya'll!


pati tiyan ko humihiyaw na din.. kahit na sanay na siyang tumanggap ng pagkain twice a day lamang, at the back of its head naglalaway ito for a third batch.. by the way, gumagaan na ako! dahil sa stress at sa sobrang pagpupuyat.. at siguro pati na rin sa sobrang pagmomoda.. hahahaha..


masakit na rin ang aking mata.. kanina pa ako nakatitig sa screen nitong laptop sa harap ko.. (nagka-broadband nga, sa laptop naman ng brother ko kinabit, which is situated, obviously, sa kwarto niya.. rawr..) i think its time to end this na.. gusto nang matulog ng katawan ko, pero ang consciousness ko ayaw pa yata.. ok na siguro ito noh.. ito na nga yata ang pinakamahabang nagawa kong blog entry na sobrang personal ang approach eh.. ang sarap ng feeling ng pagtae ng ibang laman ng utak mo.. sobrang puno na kasi ang utak ko ng rubbish stuff eh, kinailangang magbawas.. so hindi lang pala pang-aaway ang successful na nagagawa ko.. pati pala pagsusulat din.. siguro nga, i am born to do it.. congratulate me.. meron pala talaga akong writing prowess.. akala ko binobola lang ako ng mga tao..

;-)

Tuesday, October 03, 2006

just pass me by

September 30 - 6:58pm

i've just got my caramel macchiato. there was a long line for hot drinks since it just finished raining hard and now all that's left is drizzle of rain and alot of wet ground. it's quite a long walk to the park in Leicester Square and hundreds of people are all around. i see families, tourists, couples, friends...oh the list just goes on.

i think about life here in the UK. everything is fast-paced. it's just so different.

i think about how i really have to spend alot for keeping in touch with text messages to people back home. and slowly text messages i send are lessened. and it's gonna be harder to keep in touch.


i think about i feel so left out from everything. i feel i'm missing out on alot. i'm so sad i'm not able to be a witness to all that is happening in my friends' lives. not everyone keeps in touch. but then i can't blame them. coz we're all busy anyway. sometimes i feel my friends are disappointed in me and avoiding me because of decisions i made. sometimes i feel like i'm forgetten. but that's too much drama for me.

they say there's a reason for everything. i don't want the reason for my being here is losing everyone that means the most to me.

then i wouldn't have any reason to go back home. ='(