Gazeebo De Lala: January 2007

Kuya Pardz / Kaloy / Mama Mich / Chai / Jichael / Aleli / Cass / Colleen / Jane / Mark / Keisha / Kim / Kris / Anakat / Maryel


Lalans by heart, Bedans by blood

Tuesday, January 23, 2007

Clearing my clogged arteries...

mama_mich: hi kapatid
Kaloy: ei mich!
mama_mich: busy?
Kaloy: nope
Kaloy: haaay
Kaloy: im so lonely
Kaloy: nakakulong ako ngayon...
Kaloy: figuratively of course
mama_mich: same here.
mama_mich: first time ko atang mawala ng inspiration haha
mama_mich: do tell..
Kaloy: haaay
Kaloy: well
Kaloy: naiinis talaga ako sa sarili ko
Kaloy: ang daling bumaba at sumama ng loob ko
Kaloy: di ko mapigilan ang sarili ko sa pagiisip ng mga masasamang bagay against other people
Kaloy: lagi ko na lang pinagiisipan ng masama ang mga tao
Kaloy: kahit hindi dapat
mama_mich: oh.
Kaloy: i romanticize things gravely
Kaloy: at hindi ko siya maiwasan
Kaloy: hindi ko mabawasan ang ugaling yan
mama_mich: maybe that's just the stress talking?
Kaloy: kasi, para ko na ring hinanapan ng paraan kung paano bawasan ang pagkatao ko
Kaloy: no, im not stressed
Kaloy: in fact, naiinis din ako dahil wala akong ginagawa
Kaloy: assistant production manager nga ako ng prod namin
Kaloy: wala naman akong specific tasks that would keep me busy
Kaloy: mas busy pa nga ang mga props people kaysa sa akin eh
Kaloy: may sakit na ata ako
mama_mich: wow.
Kaloy: kelangan lagi akong busy
mama_mich: kalma lang...
Kaloy: kundi magiging malungkot ako
Kaloy: allergic ako sa status na walang ginagawa
Kaloy: pag walang something sa utak ko
Kaloy: feeling ko wala akong kwenta
mama_mich: workaholic i see.
Kaloy: feel ko lahat ng tao may sama ng loob sakin
Kaloy: andaming nangyayari sa buong sistema ko pag hindi ako busy
Kaloy: halo halo ang mga emotion ko ngayon
Kaloy: sobrang nangungulila ako sa company ng mga kasama ko sa nagdaang play
Kaloy: tapos feel ko pa may mga friends akong may hidden grudge sa akin at nagkakaisa sila against me
Kaloy: tapos ngayon, andaming hindi nagrereply sa mga text ko
Kaloy: e pag ganun, nasisiraan talaga ako ng bait
Kaloy: kapag alam kong kaya naman magreply, pero hindi nagrereply
Kaloy: ngayon, ang tagal na pinaghintay ako ng friend ko para kumain
Kaloy: tapos hindi na pala ako masasamahan bigla
Kaloy: tapos may mga friends ako na close ko dati, ngayon parang wala na ako sa kanila
Kaloy: wala nang nagtetext sa akin na nagyayaya na lumabas o pumunta sa kanila
Kaloy: yung dating gawi namin, nagka prod lang ako, nawala na
Kaloy: ngayon tapos na, wala pa rin
Kaloy: kanya kanya pa rin
Kaloy: feel ko ayaw akong isama
Kaloy: feel ko may galit sila sa akin
mama_mich: sigh.
Kaloy: tapos feel ko wala akong kwentang APM
Kaloy: wala akong ginagwa
Kaloy: ngayon nakatanga lang ako
Kaloy: i feel so pathetic talaga
mama_mich: karlo.
Kaloy: ako ata ang pinagmumulan ng lahat ng negative thoughts sa mundo e
Kaloy: sa akin nag-originate ang romanticization
Kaloy: sobra
Kaloy: nakakulong ako ngayon sa sarili kong ugali
Kaloy: na hindi ko alam kung makaka-laya pa ako
Kaloy: o baka hindi na
Kaloy: bihag ako ng mapag-diktang lipunan na ginagalawan natin
Kaloy: ngayon ko lang napansin
Kaloy: walang binatbat sina marcos at hitler
Kaloy: walang binatbat ang kanilang dictatorship
Kaloy: sa dictatorship ng society
mama_mich: sige labas mo lang.
Kaloy: wala na talaga akong masandalan ngayo
Kaloy: buti nanjan ka
Kaloy: kundi baka nagbreakdown na ako dito sa pc schop
Kaloy: *shop
mama_mich: idaan mo na lang kaya sa pagsusulat..
Kaloy: ganito talaga ang nangyayari sa akin kapag wala akong kasama
Kaloy: kapag wala akong ginagawa
Kaloy: kailangan laging gumagana ang utak ko
Kaloy: kung hindi, nalulungkot ito
Kaloy: nagme-melt
Kaloy: nagde-deteriorate
Kaloy: nagdi-diminish
Kaloy: nagdi-disintegrate
Kaloy: nawawala
Kaloy: yun na lang
Kaloy: nawawalan ng silbi
Kaloy: feel ko talaga wala akong silbi
mama_mich: blog.
Kaloy: wala
Kaloy: wala akong maisukat
Kaloy: maisulat
Kaloy: kanina nakabukas na siya
Kaloy: sinara ko na
Kaloy: dahil blanko lang siya
mama_mich: sige.
mama_mich: just let it all out na lang sa akin
Kaloy: wala na akong masabi
Kaloy: parang yun na yun
Kaloy: as of the moment
mama_mich: hmm.
mama_mich: clear your mind.
mama_mich: medyo napupuno na.
Kaloy: oo
mama_mich: see my pic?
Kaloy: punung puno na siy
mama_mich: see my pic?
Kaloy: ya
Kaloy: anu yan
mama_mich: that's you
Kaloy: saw 4?
mama_mich: hehe..
mama_mich: kaw nga yan eh.
Kaloy: oh
Kaloy: yea
mama_mich: tingnan mo.pag kalma ka na pagtatawanan mo na lang yan.
Kaloy: hmm
Kaloy: pag masaya na ako
mama_mich: nursing intervention: CBR. complete bed rest.
Kaloy: pag masaya na akio
Kaloy: ako
Kaloy: pag nakatulog na akio
Kaloy: ako
Kaloy: ako!
Kaloy: anu ba
mama_mich: hehe..
Kaloy: anu ba yang i na yan
Kaloy: pag nakatulog at pag masaya na ako
Kaloy: mawawala na siguro ang lahat nang yan
mama_mich: korek.
mama_mich: CBR.
Kaloy: salamat talaga mama mich
Kaloy: thanks for being here
mama_mich: it's my job
Kaloy: actually, magkakaron na ako ng entry
Kaloy: sa blog
Kaloy: alam mo kung ano?
mama_mich: yun naman pala!
mama_mich: ano?
Kaloy: eto...

Wednesday, January 10, 2007

INAHITAN NG KILAY

Kahapon, nagpunta ako sa salon para i-test ang magme- make-up sakin sa Saturday. Una nyang ginawa: Kumuha ng blade, at ayun, inahit ang aking kilay. Ilang kilay na rin siguro ang naahit niya, at parang wala nalang sa kanya ang pag-aahit ng kilay ng may kilay. Sa katunayan nga, mahapdi yung inahit niya, siguro dahil dry yung skin ko o ewan, di ko alam.

Pero bakit andrama ko?

Kasi mula noong bata ako, sabi ng nanay ko, sabog daw ang kilay ko. At para sa akin, ang mga nag-aahit lang ng kilay, ay yung mga matatanda na. At take note, ninipisan nya. Waaah. Tahimik lang ako at walang kalaban laban, dahil alam kong kailangang ahitin iyon. Pero sa loob ko, nagsusumigaw ako. Pinagpapawisan ng butil butil at tila tuturukan ng Potassium Chloride sa aking vein (Lethal injection). Tinititigan ko pa ang kilay ng parlorista o salonista na si Jaya. (Babae po sya di bading!) Hmm... Siguro gusto niya parehas kami.

Ganito ang pakiramdam ko ngayong 10:42 ng gabi. Jan. 10, 2006. Dahil maya-maya, Jan.11 na. Ayun, 18th Birthday ko na pala. Sayang, di umabot yung aso ko na kabirthday ko rin, Lola na kasi yun. Last year lang siya namatay. PERO ipinagpapasalamat ko, ANNIVERSARY din ng mga magulang ko ang Jan. 11. Ang cute noh? Hahaha. Ako daw ang gift sa kanila! (Haha!)

Babay na sa sabog na kilay ng pagiging nene. Sabi nila, dalaga na daw ako, magtino na daw ako. Matuto na daw akong kumendeng at makipagfriends sa guys. Magsmile daw ako palagi at magplano na daw ako sa buhay. Mag-isip na din daw ako ng pagkukuhanan ng kabuhayan. Galingan ko daw mag-aral kasi malapit na ko magtrabaho. (10 years pa? pag nagmed? hahahah). Ang weird. Excited ako sa bagong kilay. Pero alam ko na kilay lang naman yun. Parang edad, parang image. image lang naman yun. Edad lang naman yun. Wala namang magbabago. Ako pa rin si Chai, nabawasan lang ng kilay. Naging 18 lang manan ang edad ko. And so? Dati pa naman akong nag-iisip. dati pa ko nagsusumikap. Dati pa ko ngumingiti. Dati pa kong kumekendeng?? AHha! Di yata ako sanay talaga maging girlish masyado at dapat pang kumendeng. (Sorry sa photographer, nahirapan siyang gawin akong girly girly type. Nyahaha.) Dati pa naman akong marunong makipag-usap sa mga guys, (Though hindi ko naman talaga forte ang pang-aakit at pakikipaglandian... hmm.. wala pa kong balak nu!). Hahahaha!

Oh well, sabi nila, start na rin daw ng registration ng mga manliligaw ko. Mag-sign up nalang daw sila sa Jan.13. HAHA! JOKE ULI! Meron ba? Wala naman!!! Mukhang malabo pa yun. (Showbiz nanaman) Acads muna? Naku, di ko pwede sabihin yun dahil hindi matatapos ang acads ko. Baka maging single forever ako pag sinabi kong acads muna. Di rin naman pwedeng boylets muna, kasi hellow. Understood na sagot dun. Kaya sana sabay nalang? Haha. Sana magcompliment ang boylet life and book life. Posible kaya? Hahaha.

Nagyon, malaki supposedly ang problema ko, dahil nakaccumulate ang trabaho ko. Pero di naman mauubos ang homeworks. "Ang debut, once lang, kaya i-enjoy na" sabi ni madir yen ko. Tama ba? Nag-online lang ako, at napansin kong wlang laman ang blog ko na latest. Eh special day na pala bukas. At ngayon. Di ko magawang palampasin kahit pa napakaraming dapat gawin.

Syangapala, nagpapasalamat po ako Lord, dahil kahit kailan, hindi niyo ako pinabayaan.

Family, Friends, Institutions, my Country, the people I love... I am not celebrating the eighteen years of my Existence tomorrow (an hour later), but the Luck and Bliss of having EVERYONE and everything that happened to me in my life that made me who I am now. Wala po akong maipagmamalaki, dahil kung ano ako ngayon, yun ang dulot ninyong lahat sa akin. Kaya naman po nagpapasalamt ako sa inyong lahat.

Madami pang mangyayari, at excited na ko sa buhay ko. Sana samahan niyo pa rin po ako.

Ok... Back to Emulsions. PhCh126.1 pa bukas, monitors kami. hehe. See ya guys on Saturday. (^_^)

Labels: